8 LUXURY CARS NASABAT NG BOC

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Quezon City ang walong luxury o mamahaling sasakyan sa ikinasang raid nitong nakaraang araw.

Ang walong mamahaling sasakyan ay kinabibilangan ng Lamborghini, Nissan GTR, Ferrari, Ford Shelby GT500, Mercedez Benz, Karosserie, Ford Raptor at Nissan Cefiro ay tinatayang aabot sa P150 milyon ang halaga.

Kasama sa pagsalakay sa bodega na matatag­puan sa may Scout Tuazon sa Quezon City ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), National Bureau of Investigation (NBI) at ilang ahente ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Bukod sa mga sasakyan nakakuha rin ang raiding team ng coins na hinihinalang ipinuslit dahil sa hindi maipaliwanag ng may-ari ang mga nakuhang coins sa loob ng bodega.

Sa kasalukuyang isinasagawa ang imbestigas­yon laban sa may-ari ng mga puslit na sasakyan, dahil sa paglabag ng Section 1114 of RA10863 o kilala sa tawag na Customs Mordernization and Tarrif Act (CMTA), BSP rules and regulation at maging sa Anti-Money Laundering Laws.
FROILAN MORALLOS

6 thoughts on “8 LUXURY CARS NASABAT NG BOC”

  1. 168541 650483Im not that considerably of a internet reader to be honest but your blogs truly good, keep it up! Ill go ahead and bookmark your internet site to come back inside the future. All the greatest 703719

Comments are closed.