8 NAKAREKOBER SA DELTA VARIANT, MULING NAGPOSITIBO

WALO  pa sa mga pasyente ng Delta variant na una nang nakarekober mula sa karamdaman, ang nagpositibong muli sa sakit.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan kasabay ng pagtiyak na ang mga pasyente ay nananatili namang asymptomatic sa ngayon.

Ayon kay Vergeire, sa naturang walong pasyente, apat ang natukoy sa Cagayan de Oro, isa sa Maynila at isa sa Misamis Oriental, habang dalawa pa ang returning overseas Filipinos (ROFs).

Sinabi ni Vergeire na bagamat mababa na ang viral load ng mga ito at halos hindi na infectious o hindi na nakakahawa pa ay kinakailangan pa rin nilang i-quarantine na muli at masusing i-monitor dahil nagpositibo pa rin ang kanilang RT-PCR tests.

“When we look closely at these cases, almost all of them have high CT (cycle threshold) value, indicating a low viral load and therefore most likely they are no longer infectious,” ani Vergeire sa virtual briefing.

“But their RT-PCR was positive so we needed to quarantine them again or isolate them again and we will closely monitor them.”

Aniya pa, may 91 contacts ng 16 bagong natukoy na Delta cases na ang kanilang natukoy hanggang nitong Lunes.

Walo aniya sa mga ito ang natukoy sa National Capital Region, 46 ang sa mga returning overseas Filipinos, 10 sa Region 6, at 27 sa Region 10.

Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa nila ng contact tracing.
Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na dalawa sa tatlong pasyente na namatay dahil sa Delta variant ang hindi pa bakunado. Kabilang dito ang 78-taong gulang na babae mula sa Antique at 58-taong gulang na taga-Maynila.

Biniberipika pa naman ng DOH ang vaccination status ng ikatlong pasyenteng namatay sa Delta variant na isang 63-taong gulang na lalaki na miyembro ng MV Athens Bridge.

Mayroon na ngayong 35 kumpirmadong kaso ng Delta variant sa bansa at sa naturang bilang, 11 ang local cases habang tatlo ang kumpirmadong binawian ng buhay. Ana Rosario Hernandez

130 thoughts on “8 NAKAREKOBER SA DELTA VARIANT, MULING NAGPOSITIBO”

  1. п»їMedicament prescribing information. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    ivermectin oral 0 8
    Generic Name. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  2. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Some trends of drugs.
    stromectol otc
    earch our drug database. Definitive journal of drugs and therapeutics.

  3. safe and effective drugs are available. Everything information about medication.
    https://mobic.store/# generic mobic without a prescription
    Medscape Drugs & Diseases. Get warning information here.

  4. Get information now. Get information now.
    https://finasteridest.com/ where to buy cheap propecia without a prescription
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything what you want to know about pills.

Comments are closed.