SA KASALUKUYAN, ang maging isang milyonaryo sa Filipinas ay napakadaling makamit lalo pa’t isa kang executive sa isang kompanya. Kung ikaw naman ay isang empleyado sa gobyerno, kung ikaw ay isang matapat na kawani, magreretiro kang isang milyonaryo.
Pero ang pagiging isang bilyonaryo ay ‘di ganoon kadaling abutin bilang Pinoy. Kailangan mong maging negosyanteng matagumpay. Sa larangan ng teknolohiya ay lubhang madali kung ikaw ay tulad ni Mark Zuckerberg ng Facebook.
Alamain natin ang ilang tips mula sa mga nagtagumpay sa kanilang larangan sa Amerika.
#1 Bumuo Ng Masasayang Kostumer
Ayon kay Tej Kohli, isang matagumpay na bilyonaryong negosyante sa larangan ng real estate, ang pagkakaroon ng mga kostumer na masaya sa kanilang pakikipagnegosyo ay isa sa pinakamahalagang bagay sa pagnenegosyo. Mas mahalaga pa raw ito sa pagkakaroon ng maayos na estratehiya sa negosyo, kasunod ng pagpokus sa personal na benta ng mga tao mo. Para sa kanya, kahit maayos ang lahat sa organisasyon mo, pero ‘di bumabalik ang mga kostumer mo, ‘di ka uunlad. Tama nga naman, ‘di ba?
#2 Matuto sa mga Kabiguan
Sabi ng founder ng Microsoft na si Bill Gates, na mainam na ipagdiwang ang mga tagumpay, ngunit mas mahalagang matuto sa mga kabiguan at ito’y pakatatandaan. Sabagay, sa katuwirang paulit-ulit mong gagawin ang mga bagay kung saan ka nabigo ay kapareho ng isang hangal na nagnanais na magkaroon ng ibang resulta.
#3 Walang Mga Shortcut
Ang bilyonaryong si J. Paul Getty na kilala sa industriya ng enerhiya ay nagsasabing walang napapala na pangmatagalan sa pamamagitan ng pag-shortcut sa maraming bagay. Sa kanyang larangan na oil and gas (langis) ay nangangahulugan ng kapahamakan sa kaunting mali bunga ng pagmamada-li sa isang proseso na ‘di puwedeng i-shortcut.
#4 Kalimutan Ang Perpeksiyon
Huwag mong isipin na ikaw ay ‘di mapipigilan sa pag-angat at ang lahat ng plano ay walang sabit. Ang mas mahalaga, ayon kay Eike Batista, isang bilyonaryong taga-Brazil, ay ang magtagumpay. Kaya kahit na ‘di perpekto, ang gagawin mo ang naaayon sa iyong naunang plano. Gawin ang lahat para magtagumpay.
#5 Maging Tunay Na Entrepreneur
Ang bilyonaryong Amerikano na si John D. Rockefeller ang nagsabing ‘wag mong tahakin ang landas na nilakaran na ng marami. Ang landas na halos walang dumaan ang siya mong pagtuunan ng pansin. Ganyan mag-isip ang tunay na entrepreneur. Magsaliksik at pagbutihin ang pagsisikap hang-gang magtagumpay ka.
#6 ‘Wag mong Pigilan ang iyong Sarili
Ayon kay Mark Zuckerberg ng Facebook, ang pinakamalaking pagtaya sa negosyo ay ang ‘di pagtaya mismo. Kung walang pagtayang gagawin, walang tagumpay na matatamo, ‘di ba?
Kaya ‘wag mong pigilan ang sarili mo sa mga nais mong makamit na tagumpay sa larangan ng pagnenegosyo. Tumuloy ka lang na may kasamang pagdarasal at pananampalataya, magiging ayos din ang lahat.
#7 Enjoy Ka Lang
Sa dulo, hindi ang pagkamal ng salapi o kayamanan ang dapat mong rason sa pagnenegosyo. Dapat, mahalin at mag-enjoy sa ginagawa. ‘Yan mis-mo ang sinabi at ginagawa ni Tony Hsieh na founder ng matagumpay na online na negosyong Zappos sa Amerika. Kapag nagtagumpay ka na kasi, at pumasok na ang yaman, makikita mo na ‘di na pera ang nagpapagulong sa negosyo kundi ang ibang mga bagay na nagpapasaya sa ‘yo.
#8 Magbigay Pabalik Sa Iba
Sa pagnenegosyo, dapat balanse ang lahat. Ayon sa bilyonaryong negosyante na si Chuck Feeney, ang pagbalanse sa mga ganitong bagay ang mas mahalaga – pamilya, negosyo, and oportunidad para mag-aral at magturo.
Para sa akin, ang balanse sa lahat ng bagay ay siyang mas mahalaga. Ang pagiging matagumpay sa negosyo ngunit pagkabigo sa mga relasyon at pamilya ay nagbabalewala sa tagumpay sa negosyo.
Sa lahat ng bagay, unahin ang Diyos at pamilya.
o0o
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na [email protected].
Comments are closed.