NEGROS ORIENTAL-WALO kasapi ng New People’s Army ang napatay sa inilunsad na AFP-PNP counter terrorist operations kamakalawa ng hapon sa Sitio Agit, Brgy. Trinidad, Guihulngan City.
Ayon kay Col.Michael Samson, Acting 303rd Infantry Brigade Commander Philippine Army, bukod sa walong CPP-NPA kadre na neyutralisa ay may 11 high powered firearms din ang narekober sa mga ito sa lugar ng pinangyarihan na kinabibilangan ng 6 na M16 armalite rifles, 2 M14 rifles, 1 M4 rifle, 1 M60 ligh machinegun at 1 KG9 9 mm machine pistol.
Sa ulat na natanggap ni Philippine Army Commanding General Lt Gen Jose C. Faustino Jr., tumagal ng tatlong oras ang engkuwentro laban sa mahigit 40 rebeldeng NPA.
May war materials din na nakumpiska ang mga militar at pulis sa nasabing lugar kabilang ang 2 Improvised Explosive Devises, 1 IED wire, 6 M14 magazines with ammunitions, 2 backpacks at CTG documents of high intelligence value.
Kaugnay nito, pinasalamatan din ni Samson ang mga residente dahil sa kanilang tulong para matunton ang mga rebeldeng NPA . VERLIN RUIZ
Comments are closed.