KUMUSTA, ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Nakikita na natin ang pagbaba na ng mga kaso ng COVID-19 at tila wala pa namang nababalitaang bagong variant na maaaring maging banta sa ating bansa. At dahil unti-unti na pong binubuksan ang ating ekonomiya ng gobyerno, mas nagkakaliwanag na ang pagnenegosyo patungo sa panahon ng tag-init. Kung ikaw ay nasa negosyo ng paglalakbay, restawran, at iba pang kalinya nito, mukhang aarangkada na rinang kabuhayang gaya ng mga ito. Subalit may banta pa rin siyempre ang COVID-19 sa atin sa buong mundo.
Marami ka na rin sigurong inumpisahan at ginagawa para sa negosyo at malamang, ‘di ka sigurado kung tama ba talaga ang direksiyon na tinatahak mo.
May mga ilang bagay na ibabahagi ko sa pitak na ito ngayon upang malaman mo kung nasa tamang hulog ang mga ginagawa mo upang maging matagumpay ang negosyo mo.
O siya, tara na at matuto!
#1 Gumagawa ka ng mga bagong bagay araw-araw
Marahil napapansin mo na may mga bagay na hindi mo ginagawa dati pero ngayon, nagiging bahagi na ng pagnenegosyo mo. Gaya halimbawa ng ecommerce – o ang pagsalang ng negosyo mo sa Shopee at Lazada na dati ay hindi mo naisip na papasukan mo. Isama mo na rin ang live selling sa Facebook, ‘di ba?
Maaaring hindi ito malinaw sa iyo sa una, ngunit sa sandaling tumalon ka sa isang paglago, malalaman mo na ito ay tunay na totoo. Ang pakiramdam na wala ka sa iyong “comfort zone” ay isa sa mga pinakamahusay na tagapagpahiwatig na ang iyong negosyo ay umuunlad. Ang paggawa ng mga bagong bagay araw-araw ay nagpapanatiling nasasabik ka rin. At iyon din ang tungkol sa paglago.
Huwag nating kalimutan na ang tagapagpahiwatig na ito ay magiging mahalaga kung natutugunan mo ang mga bagong kahilingang ito nang maganda o nabigo nang husto sa mga ito sa simula. Sa alinmang paraan, natututo ka at lumalaki bilang isang may-ari ng negosyo, at iyon ang mahalaga sa pagtatapos ng araw.
#2 Mayroon kang lahat ng kinakailangang proseso sa lugar
Bagama’t gusto mong panatilihing flexible ang iyong diskarte sa negosyo, ang ilang mga daloy ng trabaho ay bahagi ng pagpapatakbo ng isang pakikipagsapalaran.
Maaaring ang mga ganap na gumaganang proseso ngayon ang makatutulong sa iyo na panatilihing matatag ang iyong negosyo sa mga susunod na buwan at taon.
At dahil nga umaayos na ang mga proseso mo, dapat mong tiyaking nag-set up ka nang maaga hanggang kinakailangan upang suportahan ang iyong mga empleyado at customer sa mahusay na pagpapatakbo at kung ano ang mas mahalaga, umunlad sa isang propesyonal at personal na antas.
#3 Nagkakaroon ng trapik ang social media pages mo
Hindi naman agad nangangahulugan na ang popularidad ng social media page mo ay malaking benta, ang mahalaga, may nauumpisahan ka na. Ang pagpapakilala sa social media ay may kinalaman sa magiging benta mo. Kailanganggamitin mo ang pagkakataon na makapagbenta sa mga followers at likers mo.
Ano naman ang gagawin mo sa pagkakataong may mga nag-PM, comment, react at share ng mga post mo? Analisahin mo ang mga sinasabi at reaksiyon nila. Tingnan mo kung may epekto ba ito sa iyong benta o wala. Tandaan mo na ang mga numerong makukuha mo ay makapagsasabi kung ano ang susunod na mga hakbang mo ukol sa produkto o serbisyo mo, at paano lalong mapapalapit sa kostumer ang negosyo mo.
#4 May natatanggap ka na inquiries
Siyempre, kung may nga nag-inquire na sa iyo sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, malaking puntos na agad ito.
Ibig sabihin, kung ano man ang ginagamit mong istratehiya sa pag-market mo, epektibo ito.
Ang epekto ng mga comment at share ng mga kostumer sa social media ay malaking puntos sa pagkuha ng mga inquiries mula sa mga kostumer. Isang malaking hakbang tungo sa tagumpay ang pagkakaroon ng inquiries.
Kaya naman ang susunod na gagawin mo ay ang maisara ang benta. Bawat inquiry at benta ay dapat tapatan mo ng maayos na customer service at after-sales service. ‘Yan ang magiging dahilan upang bumalik-balik sila sa iyo.
#5 Kumikita ka na
Lahat naman ng nagnenegosyo, benta ang habol, ‘di ba?
Kaya malaking senyales ito na umuusad na ang negosyo mo. Ang tanong lang ay kung gaano na ba kalaki o kaliit ang benta at sa anong panahon.
Ang mahalaga, may nakuha kang kostumer at sana, napasaya mosiya. Kaya ang agad na gagawin mo ay humingi ng feedback sa kostumer at kumustahin ang produkto o serbisyo mo. At tanungin kung ano pa ang maaaring gawin upang mas masiyahan pa sila sa susunod.
Ang sa ganang akin, malaking bagay kung may sinasabihang ibang tao ang kostumer mo kung natuwa siya sa nabili niya sa iyo. ‘Yan ang tinatawag na “word-of-mouth marketing” na sa totoo lang, ay walang maitatalang presyo.
#6 May mga nais mag-invest sa iyo
Kung may nais na mag-invest sa negosyo mo, gaya halimbawa ng pag-franchise, alam mong may tama kang ginagawa. Lalo na sa mundo ng franchising, ang kabuuan ng negosyo mula sa branding hanggang sa operasyon ay tinitingnan ng isang nais mag-invest sa iyo.
Malaking senyales ito na may magandang direksiyon ang iyong negosyo at patungo ito sa tagumpay.
Ano ang gagawin kung may mag-inquire na sa negosyo mo bilang investor or franchisee?
Pag-aralan agad ang kabuuan ng ginagawa mo sa pagnenegosyo. Tingnan mo ang mga pagkukulang at kung saan ka nakaaangat. Tingnan mo rin ang ginagawa ng kompetisyon. Dahil kung may interesado sa negosyo mo, tiyak na titingnan nito ang kalaban mo.
Ang mahalaga, patuloy kang magpabuti sa mga gawain mo. Tutok lang sa feedback ng mga kostumer at patuloy lang sa mga inobasyon
#7 Positibo ang reviews mo
Kung dumadami na ang mga positibong reviews mo, malaking puntos na ito sa kabuuan ng nagosyo mo. Alam mong tama ang mga sistema at branding mo, at dumadami ang nakakakilala na sa iyo.
Kapag naabot mo na ang patuloy na pagdami ng positive reviews, alamin agad ang dahilan ng kasiyahang naidudulot mo sa mga kostumer. ‘Wag lang bastang matuwa. Analisahin mo ang mga numero para alam mo kung ano ang tamang ginagawa at saan pa kailangang umungos.
Huwag kang pakampante, ok?
#8 Hinahanap ka ng mga kostumer (‘di na kabaligtaran ng dati)
Para sa maraming maliliit na may-ari ng negosyo, ang unang batch ng mga kostumer ay mga kaibigan at pamilya.
Iyan ay kahanga-hanga. Sila ang iyong mga personal na cheerleader na tumutulong sa iyong magtagumpay. Habang patuloy na lumalakiang iyong maliit na negosyo, ang unang pagkakataong may taong hindi mo kilala na lumakad sa pintuan (o bumisita sa website ng iyong maliit na negosyo) ay isang sandali na dapat tandaan. Kinukumpirma nito na gumagana ang iyong mga pagsisikap.
Kapag may mga bagong kostumer na pumasok sa iyong negosyo o nag-book ng appointment, tiyaking sulitin ang tagumpay na itodahil ito na ang senyales na umaarangkada ka na.
Tanungin mo sila kung paano ka nila nahanap.
Nagsagawa ba sila ng online na paghahanap, narinig ang iyong ad sa radyo o may nagrekomenda sa iyo? Anuman ang dahilan, maaari mong gamitin ang impormasyong ito upang patuloy na palakihin ang iyong abot at sa pamamagitan ng extension, palaguin din ang iyong negosyo.
Konklusyon
Mga ilang bagay lang ito na magsasabing nasa tamang direksiyon ka sa negosyo mo.
Ang pagnenegosyo ay may halong hirap at saya. ‘Wag kang tututok lang sa hirap kundi sa saya na dulot nito dahil ngayon, ikaw na ang boss!
Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang magtagumpay, ka-negosyo!
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamangsa email na [email protected] kung may mga katanungan.