INANUNSIYO kahapon ng NBA at NBPA na walong bagong players ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang liga ay nagsagawa ng testing sa 541 players magmula noong Disyembre 2.
Sa huling round ng testing na isinagawa noong Nob. 24 hanggang Dis. 1 ay may 48 players ang nagpositibo sa virus, o 8.8 percent.
Inanunsiyo ng Toronto Raptors kamakailan na tatlong miyembro ng organization ang nagpositibo sa COVID-19 sa league-mandated testing period.
Isinara naman ng Portland Trail Blazers ang kanilang training facility noong nakaraang Linggo dahil sa positive tests sa virus sa loob ng organisasyon.
Noong Martes ay inanunsiyo ng Golden State Warriors na dalawang players nila ang positbo, habang iniulat ng Washington Wizards ang positive test para sa isang player.
Comments are closed.