IPAGPAPATULOY ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang crackdown nito sa illegal online lending platforms.
Sa panayam sa CNN Philippines Business Roundup, sinabi ni SEC Commissioner Kelvin Lee na marami pang apps ang kanilang tina-target.
“There are another eight that is on our radar. I anticipate the cease and desist order coming out next week perhaps,” ani Lee.
Aniya, iniimbestigahan din ng SEC ang 64 pang online lending platforms.
“Not all of them are illegal, there are a certain number that is legitimate. But there are some that bear a second look,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, ang SEC ay nag-isyu na ng cease and desist orders laban sa Binixo, Cash 100, CashBus, Cashcat, Cash Whale, Cashafin, CashFlyer, CashMaya, Cashope, Cashuttle, Cashwarm, Cashwow, Crazy Loan, Creditpeso, ET Easy Loan,Flash Cash, Happy2Peso, Hatulong, Instant Pera, Lendmo Philippines, MeLoan, MoneyTree Quick Loan, Pera Express, Pera4u, Peramart, PesoLending, Peso2Go, QuickPera, QuickPeso at Umbrella.
Ang nasabing mga kompanya ay natuklasang lumabag sa Lending Company Regulation Act of 2007. Sa ilalim ng batas, ang naturang mga kompanya ay inaatasang magparehistro bilang korporasyon sa SEC, at kumuha ng certificates of authority para mag-operate.
Ang komisyon ay nakatanggap ng mga reklamo laban sa mataas na interest rates, unreasonable terms and conditions, misrepresentations, violations of right to privacy at harassment.
Nasa 1,000 reklamo naman ng harassment at privacy breach mula sa mga borrower na gumamit ng online lending apps ang natanggap ng National Privacy Commission (NPC).
Pinangunahan ni NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar noong Huwebes ang pagsalakay sa Fuwei Lending Corporation sa Pasig City.
Ayon kay Eleazar, sasampahan nila ng mga kaso ng paglabag sa Data Privacy Act of 2012 ang limang Chinese owners at 49 employees.
“Ang gusto nating mangyari dito matigil na ang ginagawang panloloko at pananakot sa ating kababayan na nagreresulta sa kanilang kahihiyan at the same time violation ng kanilang privacy in accordance to the law,” ani Eleazar. CNN PHILIPPINES
Comments are closed.