NAGPASAKLOLO ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa Philippine National Police para sa paghahanap sa walo pang mga pasahero ng Emirates flight na sinakyan ng unang Pinoy na nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Rolly Cruz, tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng walo pang pasahero at pawang residente ang mga ito ng lungsod.
Sinabi ni Cruz na may anim na rin silang nakausap na kapwa pasahero rin ng nasabing flight na galing ng Dubai.
Naka-quarantine na ang nasabing lalaki na nagkaroon ng pneumonia kamakalawa.
Dalawa namang pasahero na mali ang numerong ibinigay ang pupuntahan ng mga pulis para isailalim sa inquiry.
Sa kabila nito ay nilinaw ni Cruz na hindi nila isasailalim sa lockdown ang mga barangay sa lungsod ng Quezon kung saan nakatira ang iba pang mga pasahero ng nasabing eroplano. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.