8 PATROL CARS IPINAMAHAGI SA CAVITE PNP

pnp patrol

CAVITE– UMAABOT sa walong Toyota Hilux na Patrol Jeep ang ipinagkaloob ng Provincial Government ng Cavite upang mapanatili ang peace and order sa ginanap na turn-over ceremony sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Ca­vite noong Lunes ng umaga.

Pinangunahan ni Provincial Director Police Colonel Marlon R Santos, kasama ang  Provincial Staffs sa blessings at turnover ng nasabing walong Patrol Jeeps na dinaluhan ng mga hepe ng pulisya ng ibat ibang lungsod at bayan sa nasabing lalawigan.

Kabilang sa mga hepe ng pulisya na personal na tinanggap ang patrol jeeps ay sina Dasma City P/ Lt Col. Abraham Abayari; Bacoor City P/Lt. Col. Christopher Guste; Kawit P/Lt.Col. Joel Palmares; Naic P/ Lt. Col. Resty Soriano; Tanza P/Lt. Col. Rolando Bails; at si Amadeo P/Lt. Col. Rommel Dimaala.

Nabiyayaan din ng patrol jeeps ang PARMU- Logistic at Force Commander ng Cavite Provincial Mobile Force Company.

Gayundin, nagpahayag ng pasasalamat si Col. Santos sa pamunuan ng Cavite provincial government sa kanilang walang kapagurang pag-suporta sa Cavite PNP kung saan ipinakikita lamang ang patuloy na  partnership ng LGU at PNP.

“The logistical support like patrol cars and gasoline allocation plays a vital role in fulfilling our task most especially during times where we experienced different challenges,” ani  Col. Santos

Pinaalalahanan at hinikayat naman ni Col. Santos ang men and women ng Cavite PNP na huwag umasa sa patrol cars bagkus ay panatilihin ang foot patrol na essential order upang maramdaman ng publiko at komunidad ang peace and order. MHAR BASCO

Comments are closed.