8 PINOY PASOK SA 2021 ASIAN SCIENTISTS 100

PASOK sa 2021 Asian Scientists 100 ang walong Filipino na dalubhasa sa iba’t ibang larangan ng siyensiya.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), ang mga siyentista na pasok sa listahan ay sina Dr. Annabelle Briones, Dr Francis Aldrine Uy, Dr. Desiree Hautea, Dr. Sandra Teresa Navarra, Dr. Kathleen Aviso, Dr. Jonel Saludes, Dr. Salvacion Gatchalian at Ginoong Edgardo Vazquez.

Taong 2016 nang ilunsad ng Asian Scientist Magazine ang listahan ng 100 pinakanatatanging siyentista sa rehiyon.

Una nang napasama sa nasabing listahan ng mga dalubhasa kahanay ang mga siyentista mula sa Japan, China, Singapore, Thailand at India, sina Dr. Raul Destura na nasa likod ng locally-developed coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits, Dr. Gay Jane Perez, deputy director general ng Philippine Space Agency at Dr. Philip Alviola na naglunsad ng mga pag-aaral sa mga paniki at coronavirus. DWIZ 882

20 thoughts on “8 PINOY PASOK SA 2021 ASIAN SCIENTISTS 100”

Comments are closed.