8 PINOY PRIESTS ITINALAGA NI POPE FRANCIS

P Francis

INIULAT ng Simbahang Katoliko na may walong paring Pinoy ang naitalaga ni Pope Francis sa episcopate simula Enero ng taong ito.

Batay sa ulat ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kabilang dito sina Bishop Rex Andrew Alarcon ng Daet; Bishop Marvyn Maceda ng San Jose de Antique; Auxiliary Bishop Fidelis Layog ng Lingayen-Dagupan; Bishop Cosme Damian Almedialla ng Butuan; Bishop Leo Dalmao ng Isabela; Bishop Ro­berto Gaa ng Novaliches;  Auxiliary Bishop-elect Midyphil Billones ng Cebu; at Bishop Dennis Villarojo ng Malolos.

Dahil  sa pagkakata­laga sa kanila, nabawasan at naging tatlo na lamang ang bakanteng ecclesiastical jurisdiction sa bansa.

Kabilang rito ang apostolic vicariates ng San Jose sa Mindoro, Taytay at Jolo.

Samantala,  inamin ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales na may ilang pari rin naman ang tumatanggi sa appointment sa kanila ngunit tumangging ihayag ang pangalan ng mga ito.

Ayon kay Rosales, hindi na bago ang mga paring nagdadalawang-isip na maging obispo dahil sa palagay ng mga ito ay hindi nila makakayanan ang malaking responsibilidad na kaakibat ng posisyon.

Ani Rosales, hindi naman maaaring pilitin ang isang pari na tanggapin ang appointment at sa halip ay dapat na respetuhin ang desisyon ng mga ito.

“You cannot violate their conscience. If they think they cannot do it, I will respect that,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.