8 POLICE GENERALS BINALASA

Camilo Pancratius Cascolan

ISANG major general at pitong brigadier generals ang may bagong posisyon epektibo ngayong araw, Oktubre 7.

Batay sa memorandum mula sa tanggapan ni Major Gen. Joselito Vera Cruz, Acting Chief for Directorial Staff,  na ipatutupad naman ni PBrigadier Gen. Hinanay,  Acting Director for Personnel and Records Management, aprubado ni PNP Chief,  Gen. Camilo Cascolan ang panibagong paggalaw ng mga police general.

Sa general orders number NHQ GO DES 2020-1957, si Maj Gen. Dionardo Carlos na mula sa  Directorate for Police Community Relations (DPCR) ay itinalaga bilang Director Integrated Police Operations (DIPO) for Southern Luzon.

Si PBGen. Valeriano De Leon ay itinalaga sa Region 3 na pumalit kay PBGen.  Rhodel Sermonia na itinalaga naman bilang acting DPCR.

Itinalaga naman bilang deputy director ng Human Resource Doctrine and Development si PBGen.  Ronald Oliver Lee mula sa Integrity Monitoring and Enforcement Group.

Pinalitan ni Lee si BGen. Amador Corpuz na nagretiro noong Oktubre 3.

Itinalaga bilang director ng Highway Patrol Group si PBGen. Alexander Tagum habang ang kaniyang pinalitan na si PBGen. Eliseo Cruz  ay magiging deputy director for Plans,  si PBGen.  Adolfo Samala Jr. ang  pumalit bilang Deputy Director for Intelligence kay PBGen. Benjamin Acorda na itinalaga naman bilang director ng Integrity Monitoring and Enforcement Group kapalit ni Lee.

Sinabi ni Cascolan na ang panibagong rigodon sa hanay ng kaniyang mga opisyal ay bunsod ng retirement ni Corpuz at bahagi ng pagsasaayos sa organisasyon gaya ng pagtatalaga ng tamang tao sa bawat yunit ng PNP. EUNICE C.

Comments are closed.