8 PROBINSIYA APEKTADO NG POWER SHUTDOWN

WALONG probinsiya ang apektado ng kawalan ng supply ng kuryente makaraang maputol ang transmission lines bunsod ng paghagupit ng Bagyong Odette sa Kabisayaan at Mindanao sa loob ng dalawang araw, ayon sa Department of Energy.

Habang sa ulat ng Philippine National Police (PNP) 146 lugar ang nag-brownout.

Tinukoy ni Energy Undersecretary William Fuentebella ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at Bohol sa Visayas; at Surigao del Norte sa Mindanao.

“Wala pong tinamaan na mga power plants pero ang tinamaan po ‘yung mga transmission lines,” ulat ni Fuentebella kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak naman ni Fuentebella na maibabalik agad ang supply ng kuryente makaraan ang assessment sa danyos habang kumilos na rin ang National Grid Corporation of the Philippines para sa nasirang mga linya.

Samantala, upang maiwasan ang pagkasira ng mga bakuna kontra COVID-19, uunahing ibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar kung saan naroon ang mga vaccine storage facilities.

Ito ang rekomendasyon ni Fuentabella kasunod ng apela ni Health Secretary Francisco Duque III sa agarang power restoration sa mga lugar kung saan naroon ang mga bakuna.

“We just like to make an assurance that we are doing our best na maibalik ang pangangailangan for electricity,” bahagi ng report ni Fuentebella kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Agad ding pinakilos ang DOH at local go­vernment units na tukuyin ang mga lugar na kinaroronan ng storage facilities upang agapan bago pa maubos ang po­wer ng generator’s set .