8 PROBLEMANG KAYANG RESOLBAHIN NG ALOE VERA

Kung titingnan, parang ordinaryong halaman ang sabila o aloe vera. Pero napaka-outstanding ng mga properties nito. Pagagandahin ka nito at mareresolba ang ang maraming problema tulad ng mga sumusunod:

  1. Nakaaalis ng balakubak ang Aloe Vera

Kahit kelan hindi talaga welcome ang balakubak, kaya kung anu-anong anti-danfruff shampoo ang nauuso. Pero sa totoo lang, kailangan mong mag-improve ng diet at food supplements. Posible ring hindi tama ang ginagamit mong hair products. Subukan mo ang aloe vera. Gumamit ka ng mild shampoo at lagyan ng katas ng aloe vera ang iyong anit. Effective yan

  1. Nakababawas ng wrinkles

Sobrang mahal ng mga binibiling beauty products ng mga kababaihan, ang hindi nila alam, sabila lamang ang pang-alis ng gatla sa mukha. Mura na, wala pang side effects. Pwede itong gamiting night cream. Mayroon kasi itong vitamin A, antioxidants at iba pang components na napakagada para sa balat mo. Mayroon din itong carotene na nagpapalakas at nagpapanumbalik ng cells. Ang resulta, mahmumukha kang mas bata.

  1. Gamot sa maliliit na sugat at gasgas

Kung may sugat ka, kailangan mo ng gamot na may polysaccharides – fibers na gumagamot sa skin injuries. Meron nito ang aloe vera. May cooling agents din ito. Linisin muna ang sugat at pagkatapos ay pahiran ng aloe vera. Lagyan ng bandage at hayaan ng 5-8 oras. Tanggalin ang bandage at ulitin ang procedure kung kinakailangan.

  1. Pwede ring gamitin sa pag-exfoliate ng balat

Kung makinis ang balat mo at ayaw mong magkaroon ng blackheads, tagiyawat at iba pang sakit sa balat, i-exfoliate mom una ito bago ka maglagay ng cream o anumang pampaganda. Tanggalin anng dead skin on a regular basis. Ang kailangan mo lang ay isang tasa ng katas ng aloe vera at baking soda. Pagsamahin ito hanggang makagawa ng paste. Pwedeng palitan ng asukal ang baking soda. Ipahid ito sa mukha, leeg o kahit pa sa buong katawan kung buong katawan ang nangangailangan ng proper exfoliation. Imasaheng mabuti at banlawan ng maligamgam na tubig.

  1. Pantanggal ng Bad Breath

Salamat sa B-sitosterol compound na meron ang aloe vera, magagamot ang bad breath. May anti-inflammatory properties ang B-sitosterol na lumalaban sa acid indigestion – na siyang nagiging sanhi ng bad breath. Isama ang isang kutsara ng aloe vera sa dalawang kutsara ng apple juice o kahit tubig lang, at inumin ito na parang cocktail araw-araw.

  1. Pang-alis ng tagiyawat

Kung matagal mo nang problema ang tagiyawat at nagawa mo na ang lahat para gamutin ito pero walang nangyari, subukan mo naman ngayon ang aloe vera. Mayroon itong polysaccharides kaya madaling mag-renew ang skin cells. May antiseptic properties at antibacterial agents ang aloe vera kaya pwede itong gamiting anti-inflammatory product para gamutin ang acne at pimples. Mayaman din ang aloe vera gel sa glycoproteins na epektibong nakagagamot sa rashes. Kinukundisyon nito at pinuprotektahan ang balat laban sa bacteria.

  1. Pampakapal at pampatubo ng buhok

Dito as kilala ang sabila – pampakapal ng buhok. Ipahid lamang sa anit araw-araw bago maligo, at hayaan ito ng 30 minutes bago banlawan, siguradong kakapal ang buhok. Gumamit ng mild shampoo pero mas maganda kung gugo dahil walang matitirang dumi sa buhok. Kaya lang, wala na yatang nagtitinda ngayon ng gugo kaya magtiyaga na lamang sa mild shampoo.

  1. Gamot sa paso

Munting paso lang ang pinag-uusapan dito – yung first degree burns. Maghanda ng kalahating basong langis ng niyog at isang basong katas ng alo vera. Paghaluing mabuti. Sakaling magkaroon ng paso, kaya nito ang minor burns. Ligtas din ito kahit sa mga bata.  – KAYE NEBRE MARTIN