8 PULIS LUCENA INARESTO

QUEZON-WALONG pulis na miyembro ng Lucena PNP CCPS Intel Operatives ang inaresto matapos na iligal na pasukin ang isang bahay sa may Purok Masagana Brgy.Ransohan,Lucena City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Capt. Aaron Agbaya Herrera, PSMS Richie Ledesma Yuayan, SSg Henry Mascariña Mago, Cpl Rainier Reyes Zaballa, Cpl Allan Daluz Abdon, Cpl Wilson Peñaverde Bantilan, Cpl Rene John Martinez Bartolata at SSg Junar Cabuyao Cabalsa.

Base sa salaysay ng biktimang si Renelyn Torres Rianzales, 52 anyos kasama si Armando Cubos Paderon na dakong alas-3:15 ng madaling araw nang iligal na pasukin ng mga pulis na armado ng baril ang kanilang bahay kung saan ay sinigawan tinutukan ng baril at pinagbantaan sila.

Nagsaliksik at nagpabalik-balik umano ang mga pulis sa loob ng kanilang bahay at hinahanap ang kanyang asawa.
Matatandaang si Rianzales ay kasalukuyang tumetestigo sa dinidinig na Congressional Inquiry na pinangungunahan nila Cong. Dan Fernandez at Deputy Speaker Cong.David “Jayjay” Suarez hinggil sa naganap na karahasan, kaguluhan at pananakot sa barangay Ransohan noong nakaraang 2023 BSKE eleksyon.

Agad na nakahingi ng tulong at nakapagsuplong ang ginang sa Lucena Component City Police Station at sa tulong ni Lt Col Reynaldo Reyes, hepe ng pulisya at mga tauhan nito ay naaresto ang mga suspek na pulis.

Kasalukuyang nakakulong sa Lucena PNP Jail ang walong pulis at nakatakdang sampahan ng mga kasong Violation of Domicile, Grave Threats at Unjust Vixation.

Samantala, agad namang pinatawan ng Administrative Relieve at sinibak sa puwesto si Lt Col Reyes dahil umano sa Command Responsibility at agad na ipinalit si Lt Col William Angway bilang OIC Chief of Police.
BONG RIVERA