8 REBELDE SUMUKO, NAGSALONG

ISABELA-WALONG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko habang isinurender din nila ang kanilang mga armas saka nanumoa ng katapatan sa gobyerno sa Isabela Provincial capitol.

Iprinisinta ni Army Capt. Joter Lobo, CMO Officer ng 502nd Infantry Brigade, ang walong dating rebelde na kinabibilangan ng squad leader at medical officer.

Pinangunahan naman ni DILG Provincial Director Engr. Corazon Toribio ang panunumpa ng allegiance sa gobyerno ng mga rebel returnee.

Ang mga sumukong dating rebelde ay mula sa lalawigan ng Isabela, Quirino at Bicol.

Ilan sa kanila ay menor de edad pa lamang nang pumasok na sa NPA na ang kanyang tiyuhin ay isa din NPA habang ang iba ay dalawang taon palang na kasapi ng RSDG.

Batay sa kanilang salaysay, nagbalik-loob umano sila dahil nais nilang matamasa ang buhay sa labas ng kilusan at makasama ang kanilang mga pamilya

Inihayag din ng isang rebelde na nais niyang muling makapag-aral at handa naman ang Pamahalaang panlalawigan ng Isabela na ipagkaloob ito sa kaniya.

Sinabi naman ni Isabela Governor Rodito Albano III, na ipagkakaloob ng PGI ang mga pangangailangan at hanapbuhay na ninanais ng mga ito,at upang hindi na sila magbalik muli sa pagiging NPA at mahikayat ang iba pa na mag bagong buhay na

Samantala, kasabay din nito ay iprinisinta ang mga matataas na kalibre ng baril kung saan 12 dito ang M16 riffle at iba’t ibang uri ng pampasabog na isinuko ng mga rebelde at narekober ng militar. IRENE GONZALES