8 SENATORS PERFECT ATTENDANCE

PERFECT ATTENDANCE

NAKAPAGTALA ng perfect attendance ang walong senador sa unang regular na sesyon ng 18th Congress, habang dalawa naman ang laging on-time sa mga pulong

Ang walong nasabing senador na walang absent ay sina Senate President Vicente Sotto III, Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senador Win Gatchalian, Senadora Nancy Binay, Senador Ronald Dela Rosa, Senadora Risa Hontiveros, at Senador Joel Villanueva

Ang mga senador naman na nakapagtala ng maraming late o nahuli bago tumawag ng roll call ay sina Senador Richard Gordon (31 beses), Ralph Recto (29 beses), Aquilino  Pimentel (20 beses) at Grace Poe (14 beses).

Pinakamaraming naitalang official mission, local at abroad, naman sina Senador Manuel  Lapid (8 beses), Senador Ramon Revilla Jr. (3 beses) at Senador Francis Pangilinan (3 beses)

Hindi nakadalo sa alinmang sesyon si Senador Leila de Lima dahil kasalukuyan itong nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Sina Pangilinan at Pimentel na nakapagtala din ng tig-4 na absent sa Senado habang tatlo naman kay Senadora Pia Cayetano. Samantalang si Senador Sonny Angara ay tumugon sa roll call ng 57 sesyon at may isang official mission.

Si Senador Bong Go ay tumugon sa roll call ng 62 beses at na-late ng apat na beses. May isang official mission ito abroad. Habang si Gordon ay nag-excuse nang tatlong beses dahil sa sakit.

Si Senador Imee Marcos ay 58 beses na tumugon sa roll call, na-late ng walong beses at may isang absent.

Si Senador Manny Pacquiao ay sumagot sa roll call sa 57 sesyon, na-late ng limang beses, may isang official mission, dalawang absent at dalawang excuse dahil sa sakit

Si Senador Francis Tolentino ay tumugon sa roll cal ng 62 beses, na-late ng apat na beses at isang absent.

Si Senador Cynthia Villar naman ay may dalawang absent, na-late ng limang beses at tumugon sa roll cal sa 60 sesyon.

Samantala, na-miss naman ni Lacson ang dapat sana’y apat na magkasunod na perfect attendance sa sesyon ng Senado matapos siyang makapagtala ng isang pagliban matapos dumalo sa burol ng kanyang kapatid.

Matatandaang nakapagtala si Lacson ng perfect attendance sa lahat ng regular session noong 17th Congress, mula 2016 hanggang 2019. May 67 plenary session sa first regular session ng Senado mula Hulyo 22, 2019 hanggang Hunyo 4, 2020. LIZA SORIANO

 

Comments are closed.