8 SUGATAN SA BANGGAAN NG SUV AT PUJ

jeep vs suv

PASAY CITY – SUGATAN ang walong katao makaraang magbanggaan ang isang sport utility vehicle (SUV) at pampasaherong jeep (PUJ) kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga sugatang biktima na isinugod sa San Juan De Dios Hospital na  sina Amron Ambug; Mark Anthony Jebulan; Leo Matt Alcaraz; Ariel Ocenado; Jana Doquillo; Alfonso Balago-On; Marionne Angelo Ocampo na driver ng SUV at Kenneth Acedo Managan, drayber naman ng pampaseherong jeep.

Base sa imbestigasyon ni Pasay City Traffic Bureau investigator SPO3 Ricky Murillo, nangyari ang insidente dakong alas-6:00 kahapon ng umaga sa panulukan ng Macapagal Boulevard at EDSA Extension.

Ayon kay Murillo, binabaybay ni Managan ang EDSA Extension patungong Mall of Asia (MoA) lulan ng kanyang minamanehong pampasaherong jeep na may plakang TYM at habang papatawid ng may intersection sa Macapagal Avenue ay bigla na lamang itong sinalpok ng rumaragasang Toyota RAV 4 (AWL-449) patungong Maynila (northbound) na minamaneho ni Ocampo.

Dahil sa lakas ng impact sa pagkakabangga sa pampaherong jeep ay tumagilid ito sa kanan hanggang bago ito huminto sa gitna ng kalsada na naging dahilan ng pagkakasugat ng mga pasahero ng jeep samantalang wasak naman ang harapang bahagi ng SUV na nagdulot din ng pagkakasugat ni Ocampo dahil sa aksidente.

Mabilis na rumes­ponde ang Pasay City Rescue Team sa lugar ng pinangyarihan na nagdala sa mga biktima sa ospital.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury at damage to property si Ocampo na kasaluku­yang nagpapa­galing sa nabanggit na ospital. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.