BASILAN – WALO sa 18 suspek sa pagpapasabog sa Lamitan City na ikinasawi ng 11 katao ang nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang walong mga suspek ay sina Musa Jallaha, ang middleman sa pagbili ng van at tumulong sa paglalagay ng IED components sa van; Hadji Hurang alyas Nura Narimin, ang nagtago ng de-tached van seats at white gallons na naglalaman ng improvised explosive device (IED) components, Nasir Nuruddin alyas Battuh Murah, Al Basir Ahmad, Abdurahim Lijal alyas Mike Lijal alyas Abu Fattie at Ammar Indama alyas Ammar Matahul Mohammad na mga tumulong sa pag-load ng IED sa van at pag-secure sa van.
Kabilang pa si Julamin Arundoh alyas Mammin Totong, bomb expert, at Saad Tedie alyas Boga kabilang sa mga nagplano sa pagpapasabog.
Sa ngayon, sampung suspek pa ang pinaghahanap kabilang na si Abu Sayyaf Group Lider Furuji Indama alyas Boy Sopek na siyang nag-utos sa pagpapasabog.
Nasampahan na rin ng kasong murder at multiple frustrated murder sa Regional Trial Court Branch 2 sa Isabela City ang 18 suspek. R. SARMIENTO
Comments are closed.