8 TAIWANESE FIRMS INTERESADONG MAG-INVEST SA PH

Taiwan

WALONG Taiwanese firms ang nagpahayag ng interes na mag-invest sa bansa, partikular sa manufacturing sector.

Sa isang statement, sinabi ng Board of Investments (BOI) na tinanggap nito noong Mayo 16 ang Taiwanese delegation na naghahangad ng investment opportunities sa Pilipinas, partikular sa pagpapalawak sa kanilang
presensiya sa pag-manufacture ng electronics at semiconductors, gayundin sa industrial at machinery parts at components.

“These companies are engaged in manufacturing circuit boards, high precision terminals for memory card connectors, and metal parts stamping. Their visit aimed to explore incentives available for the semiconductor
industry in the Philip- pines, assess local market demand, and establish connections with existing IC packaging and testing companies,” ayon sa BOI.

Sinabi ng BOI na isang Taiwanese business mission ang bu- misita rin sa Manila noong March 6.

Binigyang-diin nito na ang interes ng Taiwanese firms sa bansa ay nagpatibay sa estado ng bansa bilang isang investment hotspot sa ASEAN region.

“This recent visit of the Taiwanese business delegation not only strengthens the economic ties between the two nations but also paves the way for further collaboration and growth,” dagdag pa ng investment promotion agency.

Ayon sa BOI, ang Taiwan ay 10th largest source of investment pledges ng bansa noong 2022, na nagkakahalaga ng halos P1 billion.

Ang foreign direct investments mula sa Taiwan sa parehong taon ay nasa USD21.18 million.

-PNA