WALONG taong pagkakulong at hindi na rin maaaring maging opisyal o tauhan ng gobyerno ang hatol ng Sandiganbayan 7th Division sa dating alkalde ng Cabuyao, Laguna.
Batay ito sa 20 pahinang desiyon ng anti-graft court noong Pebrero 1 hinggil sa paglabag ni dating Mayor Isidro Hemedes, Jr. sa Section 3 ng Republic Act No. 3019.
Ang kaso ni Hemedes ay nag-ugat nang matuklasang miyembro ito ng Board of Director ng isang pribadong bangko habang umaakto ito sa kanyang katungkulan.
Nalaman din na kahit pito lamang ang common shares of stocks ni Hemedes sa Luzon Development Bank, hindi naman ito dahilan para makaiwas siya sa second element ng katiwalian at habang pasok pa rin siya sa paglabag sa RA No. 3019.
“We find that, taken together, the law, admitted evidence and stipulations prove beyond reasonable doubt that accused is guilty of violating Section 3(h) of Republic Act (RA) No. 3019, when he occupied the position of member of the Board of Directors of LDB (Luzon Development Bank), a private development bank, during his incumbency as city mayor of Cabuyao, Laguna,” ayon sa korte
“It said that Section 3(h) of RA No. 3019 simply requires the public officer to have a “direct or indirect financial or pecuniary interest in any business, contract or transaction”, adding that it does not indicate any further qualification regarding the nature of the said interest,” ayon pa sa desisyon.
Noong Marso 9, 2018 ay kinasuhan ng graft o katiwalian sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman si Hemedes dahil sa umano’y miyembro ng Board of Directors ng LDB mula June 30, 2007 to February 5, 2014 habang siya ay mayor ng Cabuyao City.
Nag-plead ng “not guilty” si Hemedes nang siya ay basahan ng sakdal noong April 13, 2018. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.