BULACAN – NAGSAGAWA ng manhunt operation ang awtoridad sa mga siyudad ng San Jose Del Monte, Meycauayan, Malolos, Sta. Maria, Pulilan at San Ildefonso.
Sa report na ipinadala ni PNP Provincial Director, Col. Chito Bersaluna kay PNP Regional Director, BGen. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Teotimo Duazo y Garjas, 51, ng Brgy.Sto Cristo, City of San Jose Del Monte, sangkot sa kasong frustrated homicide; at Daryl Rivera y Salgado, 28, ng Brgy. Bulac, Sta. Maria, sabit sa kasong theft.
Nadakip rin sina Estephan Avendaño y Polaje, 23, ng Barangay Pantoc, Meycauayan City, sangkot sa kasong Direct Assault Upon an Agent of a Person in Authority; Emil Cher Ocampo y Caganda, 19; Alvin Labong y Mangabang, 18, sabit sa kasong physical injuries in relation to RA 7610, John Melbourne Santibañez, 25, ng Brgy. Cut-cot, Pulilan, sangkot sa kasong Acts of Lasciviousness; Junalito De Guzman y Javier, 50, ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria, sabit sa kasong RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004) at Jhon Jhon Ubaldo y Bayan, 29- anyos ng Brgy. Poblacion, San Ildefonso, sabit naman sa kasong qualified theft.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nadakip ang mga suspek sa tulong na rin ng ilang mga residente sa lugar at warrant of arrest na inilabas ng iba’t ibang regional at municipal trail court.
Samantala, nasa 238 ang nahuli sa paglabag sa mga municipal ordinance at Oplan RODY mula sa iba’t ibang mga bayan, habang 198 ang pinauwi sa kanilang mga bahay at 40 naman ang dinala sa mga barangay para bigyan ng babala. THONY ARCENAL
Comments are closed.