BULACAN- ARESTADO ng mga operatiba ng PNP ang walo katao nang maaktuhang gumagawa ng ilegal na fountains fireworks sa residential area ng Brgy. Biñang 1st sa bayan ng Bocaue kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nadakip na may-ari ng backyard manufacturing si Orlando Dela Cruz nasa hustong gulang at mga trabahador na sina Arnel at Christian Abubo, Darell Prajes, Bladimir Salde, Rodel at John Kevin Alegria, Jojo Parrocha.
Nabatid na walang maipakitang legal na dokumento ang may-ari sa paggawa ng naturang fireworks.
Nakumpiska sa naturang pagawaan ang 73 Pagoda, 106, pcs Rambo Pagoda, 92 piraso ng Two layer Pagoda, 106 na piraso ng Full RC close Pagoda, 40 piraso ng one layer Pagoda, 50 pirasong three layer Pagoda, 28 piraso ng four layer Pagoda na nagkakahalaga ng P200 libong piso at ibat ibang paraphernalias.
Samantala, paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ang isasampa laban sa mga suspek. THONY ARCENAL