BULACAN- WALO katao ang inaresto ng mga awtoridad nang mahuli sa akto habang inilalabas smuggled meat products sa ikalawang cold storage sa Buston St. Industrial Subd.Brgy, Iba Meycauayan City.
Kasunod nito’y agad nagsagawa ng inspection ang mga tauhan ng Bureau of Customs, Department of Agriculture at National Meat Inspection Service, City Veterinary Office at pulisya.
Tinatayang aabot sa P2.8 milyong halaga ng imported na smuggled na karne ng Baboy, Manok at Baka ang nakita sa cold storage.
Natukoy ang warehouse sa pamamagitan ng CCTV kung saan mag-aalas-2 kahapon ng madaling-araw nang makitang ipinupuslit ang frozen meat products gamit ang refrigerated van.
Sa inisyal na report ni City Veterinary Officer Dra. Imee Arguelles, unang nadiskubre ang cold storage sa Atlanta St. kung saan nakumpiska ang P35 milyong halaga ng imported na karne at pangalawa kahapon sa Buston St. na pag-aari umano ng isang alyas Rehan Co na kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis.
Ani Arguelles, walang kaukulang business permit ang negosyo ng chinese national.
Nabatid na hinuhugasan ang mga frozen products at pinapalitan ang mga pakete at expiration date na ibinebentang muli sa mga parokyano nito.
Nagmula ang nasabing produkto bansang India at Germany.
Nakatakdang dalhin ang mga nakumpiskang karne sa isang lugar sa bayan ng Bustos, Bulacan para ibaon sa lupa.
Samantala, nakakulong ngayon sa presinto ang 8 trabahador ng isang trucking company na ginamit sa pagpupuslit ng frozen products. THONY ARCENAL