ISABELA-ARESTADO ang walo katao na sangkot sa malawakang pamemeke ng iba’t ibang uri ng pera at bank notes na nag-ooperate sa National Capital Region (NCR), Region 4-A at Region 2, sa bayan ng Tumauini.
Kinilala ang mga nadakip na sina Menerva Roan, 53-anyos, lider ng grupo, residente ng Barangay San Pablo, Angono, Rizal kabilang ang tatlong senior citizens na sina Fe Borromeo, 67-anyos, residente ng Barangay Santo Nino, San Mateo, Rizal; Michelle Quitalib, 63-anyos; Pilar Castillejo, 64-anyos, kapwa residente ng Barangay Nungnungan Cauayan City, Isabela.
Habang ang apat pa ay sina Monette Baronia, 41-anyos, Barangay District 3, Cauayan City, Isabela; Rowena De Guzman, 53-anyos, residente ng Barangay Quirino, Maria Aurora, Aurora Province; Aji Marquez, 25-anyos, residente ng Sinimbaan, Roxas, Isabela; at Jay Mark Bredico, may asawa at residente ng Masaya Sur, San Agustin, Isabela.
Ayon kay P/Maj Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, naaresto ang mga suspek sa ikinasang entrapment operation nang pinagsanib na puwersa ng CIDG Isabela, PNP Tumauini, Provincial Intelligence Unit ng Isabela at ilang kasapi ng 5th ID Philippine Army.
Nakumpiska sa kanila ang trilyong halaga ng iba’t ibang foreign currency.
Nakumpiska rin sa pag-iingat ng mga suspek ang 15 unit ng cellphones, pitong bala ng Caliber .45 na baril, P2 milyong boodle money at ang ginamit na sasakyan na may plakang POD-656 na nakarehistro sa pangalang Norma C. Estavillio na residente ng Barangay Minanga, Naguillian, Isabela. IRENE GONZALES
844637 983002Typically I dont learn post on blogs, nevertheless I wish to say that this write-up extremely pressured me to try and do it! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite great article. 25882