INARESTO ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong Vietnamese fisherman na sakay ng kanilang fishing vessel at ilegal na nangingisda sa Balabac, Palawan.
Batay sa inisyal na ulat, dakong alas-9:11 noong Huwebes ng umaga nang mamataan ng mga tauhan ng PCG ang Vietnamese fishing vessel sa dagat na sakop ng Mangsee Island sa Balabac, Palawan.
Dito na nagsagawa ng inspeksiyon at boarding procedure ang PCG at tumambad sa kanila ang ilang piraso ng mga pating.
Sinasabing ilegal ang ginagawang pangingisda ng mga Vietnamese national dahil wala rin silang permit na maipakita.
Dinala ang 8 Vietnamese fisherman sa pier ng Puerto Princesa City, Palawan upang sampahan ng kaukulang kaso. PAUL ROLDAN
Comments are closed.