MASBATE- WALONG kriminal na matagal nang pinaghahanap ang naaresto ng kagawad ng Police Regional Office-5 sa patuloy ng paglulunsad ng malawakang operasyon laban sa wanted ng batas.
Nadagdag kahapon sa huling datos ng PNP-PRO ang pagkakahuli sa walong “top ranking most wanted persons” sa probinsya ng Sorsogon at Masbate.
Sa Sorsogon, nabigyan na ng tuldok ang pagtatago sa batas ng pitong indibidwal sa kamay ng batas.
Tinawid pa ng mga kawani ng Sorsogon Police Provincial Office ang probinsiya ng Samar upang dakpin ang rank 9 municipal most wanted person (MMWP) ng Matnog MPS.
Kinilala ito na si Leny Borac, 55-anyos, may asawa magsasaka at residente ng Balangcayan, Eastern Samar.
Si Borac ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may piyansang P120,000.
Ayon kay PNP-PRO5 Spokesperson P/Maj Malou Calubaquib , nawakasan n rin ang pitong taon na pagkukubli ng rank 1 MMWP ng Magallanes MPS para sa kasong rape.
Ang akusado ay kinilalang si Larry Olimpo, 50-anyos, may kinakasama at residente ng Magallanes.
Nasakote naman sa Brgy. Poblacion, Bacon District, Sorsogon City ng pulisya ang rank 1 provincial MWP ng Sorsogon PPO na si Philip Filan na may walong bilang ng kasong rape batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng RTC branch 51, Sorsogon City n ipinalabas noong Mayo 6, 2019.
Nakorner din ang apat na iba mula sa Sorsogon; at isang most wanted sa bayan ng Gubat. VERLIN RUIZ
533483 40355Keep up the good work! 611123