8 WANTED PERSONS NASABAT SA PAGKUHA NG POLICE CLEARANCE

POLICE CLEARANCE

QUEZON CITY – ­ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Supt. Joselito  Esquivel Jr. ang walong wanted persons na sinubukang kumuha ng police clearance sa QCPD Police Clearance Section na pinamumunuan ni PCI Rodel  Maritana.

Kinilala ang naaresto na si Junivin Dequina, 29, ng Brgy. Damayang Lagi, na nag-apply ng kanyang police clearance bandang alas-8:30 ng umaga noong Lunes nang lumabas ang  ‘hit’ sa kanyang pangalan sa PNP E-Warrant System.

Si Dequina ay may warrant of arrest dahil sa kasong theft na i­nisyu ni Judge Marivic T. Balisi-Umali, ng RTC Branch 20, Manila, na may kaukulang  bail na P26,000.00.

Habang ang Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni Supt. Benjamin Gabriel Jr. ay naghain ng warrant laban naman kay Armando Reyes Jr, 53,  ng  Brgy. North Fairview habang nasa PS 5 custodial facility. Si  Reyes ang  No. 2 most wanted ng PS-5 dahil sa kasong frustrated murder, at may warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosa M. Samson, of RTC Branch 105. Dati nang inaresto ang suspek  at nakulong sa  PS 5 dahil sa kasong violation of RA 9165.

Naaresto rin ng PS 5 ang suspek na si Francisco Valmonte, 22, ng  Regalado Avenue dahil sa kasong littering.

Sa Masambong Police Station (PS 2) naman sa ilalim ni Supt. Rodrigo Soriano ay ina­resto si Tere­sita Flores, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Veterans Village, Project 7 bandang 11:00 ng u­maga kamakalawa na may nakabim­bing warrant of arrest dahil sa violation of Sec. 10 of R.A. 7610 o  “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na inisyu ni Judge Fernando T. Sagun, ng RTC Branch 78.

Ang iba pang police operatives na nakaaresto ay mula sa Police Station 2; Talipapa Police Station (PS 3);  Novaliches Police Station (PS 4) at Anonas Police Station (PS 9) sa ilalim ni Supt. Cipriano Galanida, ay inaresto si Rhey Ann Lina, 23, bandang 5:30 na inaresto sa Area 17, Brgy. U.P. Campus Diliman. Ito ay may  warrant of arrest na may  dalawang counts ng rape  na inisyu ni Judge Angeline Mary W. Quimpo-Sale ng RTC Branch 106, na may bail set sa halagang  P120,000. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.