80 ‘AT LARGE’ NA AKUSADO SA MAGUINDANAO MASSACRE NAGPALIT NA NG MUKHA

Bernard Banac

CAMP CRAME – KABILANG sa tinitingnang anggulo ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na nagpalit nang mukha at pangalan ang nakatakas na 80 suspek sa Maguindano Massacre.

Ayon kay PNP Spokesman BGen. Bernard Banac, ang dahilan kaya hindi pa nadadakip ang mga ito kahit 10 taon na silang pinaghahanap ng pulisya.

Dahil dito,  inamin ni Banac na magpapasaklolo na sila sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) para madakip na ang mga ito.

Dagdag pa ni Banac, bukod sa AFP ay hihilingin din nila ang tulong ng iba pang law enforcement agencies.

Simula noon ayon kay Banac ay nagtuloy-tuloy naman ang pagtugis ng PNP sa mga nawawalang akusado.

Aminado rin ang PNP na halos wala silang impormasyon na nakukuha hinggil sa kung saan nagtatago ang mga ito. EUNICE C.

Comments are closed.