UMAABOT sa 80 porsiyento ng mga pasyenteng tinamaan ng Covid-19 na tinatanggap sa mga ospital mula sa National Capital Region (NCR) ay pawang mga hindi pa bakunado o kulang sa bakuna laban sa nabanggit na virus.
Ito ang lumabas sa ulat ng Philippine Heart Association (PHA) sa idinaos na Usapang Puso sa Puso (UPP) virtual forum na tinawag na Pangamba sa Bakuna: Ang Puso sa Gitna ng Pandemya.
Bunsod nito, hinimok ng mga medical expert ang publiko na mula sa edad 18 pataas na makiisa at pakinabangan ang ibinibigay na libreng vaccination program ng pamahalaan upang maprotektahan ang kanilang katawan laban sa nakamamatay na Covid-19 virus.
Hinikayat ni Dr. Richard Henry Tiongco II, isang interventional cardiologist ang mamamayan na agad magpabakuna upang maiwasan ang anumang sakit dulot ng Covid-19 ngayong may mga kumakalat pang variants na mas mabilis makahawa.
“As cardiologist we want to help our people get well informed, to understand the reason behind Covid infections, the importance of vaccination and saving lives, to end the pandemic,” pahayag pa ni Dr. Tiongco.
Sinegundahan din ito ni Dr. Luigi Pierre Segundo, isang cardio-electrophysiologist at host ng PHA bunsod ng pagdami na naman ng kaso na nahahawahan ng nasabing sakit.
“Keeping CVD at bay is also putting Covid away. Foiling an imminent CVD or Covid attack should go hand in hand. Being fully vaccinated builds your resistance against an imminent Covid-19 attack.
Keeping a healthy lifestyle. Preventive cardiology is vital in this difficult times. Most hospital are full.
Maintaining a cardiovascular system healthy/ managing your cardiovascular issues and knowing your risk factors and doing something about it, lowers your risk of catching the virus,” saad pa ni Dr. Segundo.
Kasunod nito, pinawi naman ni Dr. Marysia Stella Tiongco-Recto, isang allergy/immunology expert ang mga agam-agam ng iilan na posibleng mauwi di umano sa pagiging “zombie” ang mga naturukan ng bakuna.
Iginiit ni Dr. Recto na hindi dapat mangamba ang mga nabakunahan dahilan sa hindi kailanman magbabago ang kanilang anyo.
Ipinagdiinan pa nito na ang mga viral vector vaccines na katulad ng Johnson&Johnson, AstraZeneca o Sputnik ay walang kakayahan na maging walking dead ang taong nabakunahan ng Covid-19 vaccines.
Ani Dr. Recto, ang mga nabanggit na brand ng bakuna at iba pa ay nagtataglay ng MRNA at hindi pumapasok sa genes ng tao at sa halip ay sa cells lamang at hindi rin aniya totoong sa loob ng 10 taon ay posibleng mauwi sa pagiging zombie ang mga nabakunahan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
344077 97646Hiya! Fantastic blog! I happen to be a everyday visitor to your site (somewhat a lot more like addict ) of this internet site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am searching forward for much more! 143555