NASA 80 katao ang naaresto at 90 pirasong mga baril ang nakumpiska sa magkakahiwalay na “all-out drive operation” kontra kriminali-dad na ikinasa ng pulisya sa Southern Metro Manila.
Sa press briefing ay iprinisinta kahapon ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Eliseo Cruz kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, ang nasa 90 assorted loose fire arms na nakumpiska mula sa ibat-ibang suspek na dinakip dahil sa paglabag sa Election Gun Ban at Illegal Possession of Fire Arms.
Nakakumpiska rin ang mga pulis ng mga bala, granada, shabu at drug paraphernalias.
Bukod dito ay iprinisinta rin kay Eleazar ang nasa 80 suspek na naaresto matapos masangkot mula sa iba’t ibang uri ng krimen.
Sa record ng SPD, ang nasabing accomplishment ay isinagawa mula noong Enero 13 hanggang kahapon Pebrero 13 bunsod na rin sa magkakahi-walay na “all-out drive operation” kontra kriminalidad na ikinasa ng pulisya sa Makati, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Taguig City at bayan ng Pateros. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.