80 KILONG SHABU NASAMSAM DRUG OPERATIONS

CAVITE-UMAABOT sa 80 kilos ng shabu ang nasamsam sa inilunsad na magkahiwalay na anti narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang national security forces sa lalawigang ito kamakalawa.

Sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Derrick Carreon, isang joint anti illegal drug operations ang inilunsad ng PDEA katuwang ang AFP TF NOAH, Team Navy, PDEG FILD at PNP 4A sa Dasmariñas at General Trias Cavite.

Unang isinagawa ang operasyon nitong Hunyo 2 ng alas-8 ng umaga sa Blk 34 Lot 14 Hyacinth St., Camella Homes, Dasmariñas, Cavite kung saan nadakip sina Dominador Robasto Omega Jr., at Siegfred Omega Garcia na nakumpiskahan ng 60 kilos ng shabu na tinatayang aabot sa P 408,000,000.00.

Bukod pa sa butane stove na ginamit sa pagluluto, mga galon ng hindi kilalang mga kemikal hugis-parihaba na plastic na lalagyan na may puting mala-kristal na substansiya, air purifier, parephernalias, android phone at IDs.

Sumunod na sinalakay ang isang bahay sa sa Blk 11 Lot 1 Buenavista Townhomes, General Trias, Cavite at naaresto sina Elaine Maningas y Calusin; Ricardo Santillan y Santiago at Laurel Dela Rosa y Salceda.

Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang may 20 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P 136,000,000; P1,000 Peso Bill ; 4 na Yunit na Android phone; 2 Analog Phone at mga ID.

Kapwa nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art. II ng RA 9165 comprehensive dangerous drug of 2002 . VERLIN RUIZ