SA halos mahigit isang linggo bago ang pambansang botohan sa Mayo 9, nalaman ng Publicus Asia na 80% ng mga tagasuporta ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at running mate na si Inday Sara Duterte ay nakapagdesisyon na, at tiyak na iboboto silang dalawa.
Ang development na ito ay nag-udyok sa mga analyst na magdesisyon na kapwa sina BBM at Inday Sara ay maaaring patungo na sa kanilang panalo.
Pinatibay ni Marcos ang kanyang malaking pangunguna laban sa kanyang mga karibal matapos mag-post ng 57% voter preference sa April 19-21 survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc., habang si Duterte ay nakakuha ng 59 percent.
Kapuna-puna ayon kay Dr. David Yap Jr., chief data scientist ng Publicus Asia, ang makabuluhang pagtaas ng numero nina Marcos at Duterte sa kategoryang “firm voters”.
“Another of point interest if we look closely at the numbers is that the share of the firm BBM (Marcos) voters rose from 70 percent in February to 80 percent in late April,” sabi ni Yap.
“Similarly, the share of very firm Sara voters rose from 75 percent in February to 80 percent in late April,” dagdag nito.
Paliwanag ni Yap, base sa kasaysayan, habang nalalapit ang eleksiyon ay lalo pang kumbinsido ang mga botante sa kanilang mga kandidato.
“I think it is something that all of us voters can attest to that as election date nears we firm up our support, we firm up our preferences and we become more and more committed to the choices that we have made thus far,” kanyang paliwanag.
“It’s a very common occurrence among voters that as election day nears, they become more and more convinced of who they are voting for.”
Isinagawa ang survey ng non-commissioned PAHAYAG National Tracker survey of Publicus Asia mula Abril 19 habggang 21, 2022, sa 1,500 respondents mula sa panel ng 200,000 Pinoy.
Nanatili sa 36 percentage points si Marcos na mas mataas kay Leni Robredo, na nakakita pa ng 2% na pagbaba sa kanyang maliit na 21% na voter preference.
Sa dulong ikatlo ay si Isko Domagoso, na nasa isang virtual tie rin sa mga undecided voters sa 6% voter preference.
Samantala, si Sen. Ping Lacson ay nasa 4%, at si Sen. Manny Pacquiao ay nakakuha ng 2% voter preference.
Nanatili ring top choice si Marcos sa lahat ng voting areas, na may 44% sa National Capital Region (NCR), 62% sa North Central Luzon (NCL), 45% sa South Luzon (SL), 57% sa Visayas, at 72 % sa Mindanao (MIN).
Malaki rin ang suporta ni Marcos mula sa mga Pinoy sa lahat ng uri ng ekonomiya, na may 50% sa Class ABC, 60% sa Class D, at 73% sa Class E.