80% NG COVID-19 CASES NASA METRO

covid19

SA apat na lugar lamang sa bansa naitala ang 80 porsyento ng mga kaso ng coronavirus disease 19 (COVID-19) sa bansa.

Batay ito sa isinagawang pag-aaral ni Dr. John Wong, isang epidemiologist at bahagi ng sub-technical working group ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa graph na iprinisinta ni Wong, nabatid na ang 80 porsyento umano ng COVID-19 cases sa bansa ay mula sa National Capital Region (NCR), Cebu City, Rizal at Laguna.

Habang kabilang naman sa itinuturing na COVID-19 hotspots ang NCR, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Ang cold spots naman ay kinabibilangan ng Abra, Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Sinabi ni Wong na batay sa kanilang pag-aaral ay inaasahang pagdating ng pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Mayo 15, ay lalampas na sa pitong araw ang doubling time sa mga nasasawi sa COVID-19 habang lalampas naman sa limang araw ang doubling time sa pagdami ng mga kaso ng sakit.

Aminado naman si Wong na masasabi lamang na tapos na ang COVID-19 pandemic kung may mahahanap ng bakuna laban rito. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.