80% NG MGA RESIDENTE NG NCR BAKUNADO NA

UMABOT na sa 80 porsiyento ng residente sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ay napag-alaman kay Metro Manila Council (MMC) chairman Edwin Olivarez na bukod sa nabanggit na porsiyento na nabakunahan na nang unang dose ng mga residente sa Metro Manila, 45 porsiyento naman sa mga residente sa nabanggit na rehiyon ay mga fully vaccinated na.

Ayon kay Olivarez, tinitingnan na rin ng MMC ang pagbibigay ng bakuna sa mga kalapit na lugar sa Metro Manila.

Sinabi pa nito,ang lokal na pamahalaan ng Parañaque ay nagbukas ng bagong drive-through vaccination site sa Nayong Pilipino na matatagpuan sa harapan ng Okada sa pakikipagtulungan ng Solaire at Megaworld kung saan tumatanggap na ang nasabing vaccination site ng mga nais magpabakuna na manggagaling sa kalapit na probinsiya at lungsod.

Ang mga hindi residente ng Parañaque na nais magpabakuna sa nasabing drive-through vaccination site ay makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang mga local government unit (LGU) portals para sa pagpaparehitro na isusumite sa Solaire para sa iskedyul ng kanilang pagbabakuna.

Sinabi din ni Olivarez na nakapagbakuna na ang lokal na pamahalaan sa 103.48 porsiyento o 462, 484 indibidwal mula Marso 5 hanggang Agosto 28.

Target ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng bakuna sa 446,923 indibidwal na mga residente ng lungsod laban sa COVID-19.

Sa mga fully vaccinated naman o mga nakatanggap na ng ikalawang dose ng bakuna ay nakapagtala ang lungsod ng 47.14 porsiyento o katumbas ng 218,046 indibidwal.

Nabigyan na din ng kanilang mga iskedyul ngayong buwan na ito ang mga tatanggap ng ikalawang dose ng bakuna kung saan ang mga unang nabakunahan ng Sinovac ay may interval na 28 araw habang ang mga nabakunahan naman ng AstraZeneca ay aabot ito ng walo hanggang 10 linggo.

Dagdag pa ni Olivarez na ang mayorya sa mga tuturukan ng ikalawang dose ng bakuna ang binibigyan ng prayoridad ngayon ng lokal na pamahalaan sa loob ng kasalukuyang buwan. MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “80% NG MGA RESIDENTE NG NCR BAKUNADO NA”

  1. 55027 173724Hi there. Quite cool website!! Guy .. Beautiful .. Fantastic .. I will bookmark your internet site and take the feeds additionallyI am glad to locate so a lot valuable info proper here in the post. Thanks for sharing 731154

Comments are closed.