80% NG PINOY TIWALA SA PERFORMANCE NG PNP

WALO sa sampung Pinoy o kumakatawan sa 80% ng Pilipino ang nagtitiwala sa mga pulis.

Ito ang lumalabas sa Tugon ng Masa Survey na itinaguyod ng ng Octa Research Group kung saan lumabas din na 79% ng kanilang respondents ang nagpahayag ng kasiyahan sa naging performance ng PNP.

Habang 41% naman ang naniniwawalang nagkaroon ng improvement sa pagpapatupad ng peace and order at 41% din ang naniniwalang sapat ang pagresponde ng mga pulis para pigilan ang krimen.

Kasunod ng magandang review at resulta ng survey, tiniyak ni PNP Public Information Office Chief BGen Redrico Maranan na kanila pang pag-iibayuhin ang kanilang performance.

Sinabi pa ni Maranan na welcome sa PNP ang resulta ng survey ng research group.

“The PNP welcome the result of this survey. This is a clear manifestation of the trust and confidence of majority of the Filipinos to their Police. This is also a testament that despite some issues hounding the PNP, majority of the people are still appreciating the everyday sacrifices of every police officer,” bahagi ng pahayag ng PNP.

Dagdag pa ni Maranan na ang magandang resulta ng survey ay magsisilbing inspirasyon at motibasyo sa mga pulis upang ipagpatuloy ang maayos na serbisyo-publiko.

Magugunitang sa assumption speech ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. isa sa kanyang marching order sa mahigit 228,000 personnel na laging gumawa ng mabuti at tama.

Nagpasalamat din ang PNP sa Octa sa pagsasagawa ng survey para malaman ang sentimiyento ng publiko na gabay naman nila para sa calibration ng kanilang performance.
EUNICE CELARIO