PARA pigilan ang hawahan, isinailalim sa 14-day lockdown sa bagong gusali ng munisipyo ng Baras, Rizal kasunod ng ulat na naging close contacts ng 15 kawani na nagpositibo sa COVID-19 ang nasa 70 hanggang 80 percent ng workforce ng nasabing pasilidad.
Ang pansamantalang pagsasara ng bagong munisipyo ay kinumpirma ni Mayor Kathrine Robles sa kanyang Facebook post.
Epektibo ang lockdown nitong Setyembre 13 at magtatagal hanggang Setyembre 26 kasabay ng paghingi ng paumahin ni Mayora sa kanilang constituent dahil asahan ang pagkabalam ng kanilang serbisyo publiko.
Batay sa Municipal Health Office, ang 15 empleyado na nagpositibo sa antigen test habang na-expose sa iba pang mga katrabaho kaya naman mismong ang local Inter Agency Task Force on COVID-19 na ang nagrekomenda ng 14-day closure ng gusali at pagpapa-quarantine sa mga apektadong kawani.
Nagtayo naman ng tent sa labas ng munisipyo bilang pansamanalang tanggapan Municipal Social Welfare and Development Office; National Bureau of Investigation, Agriculture at Community Affairs Office na mananatiling bukas habang isinailalim din sa disinfection ang gusali.
Inabisuhan din ng alkalde ang kanyang constituent na kung kailangan ng assistance ay tumawag sa telephone numbers, 8-653-3909 o 0999-221-9886 habang ang katanungan hinggil sa vaccination schedule ay tumawag sa hotline, 0908-665-8484.
Nitong Setyembre, naitala ang 22 bagong kaso ng COVID-19 sa Baras, 23 recoveries at 151 active cases habang 30 pasyente ang namatay nang magsimula ang pandemya noong isang taon.
650784 336765I truly enjoy examining on this internet site , it has very good content material . 39840