800 BENEPISYARYO SA LA UNION INAYUDAHAN

LA UNION – NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng ayuda sa may 800 benepisyaryo sa bayan ng Bauang at Bacnotan, La Union noong Huwebes ng umaga.

Sa inisyatiba ng tanggapan ni Lapid, naglaan ito ng P2 milyon sa dalawang bayan at nabiyayaan ang mga benepisyaryo ng kaukulang halaga mula sa DSWD.

Kabilang sa mga nabigyan ng tulong pinansyal mula sa Assistance to Individual in Crisis Situation program ay mga se­nior citizen, persons with disabilities(PWDs), single parents at mga estudyante.

Sa  maiksing talumpati ni Lapid, inaasahan niyang makatutulong ang ayuda sa kanilang pangangailangan sa panahon ngayon ng krisis.

Nangako naman si Lapid na babalikan ang mga taga-Bauang at Bacnotan kapag nabigyan na ang iba pang lugar sa bansa.

Nagpasalamat naman kay Lapid sina Bauang Mayoralty bet Bong Lee at Mayor Martin De Guzman, Bacnotan Mayor  Divina Fontanilla at buong Konseho.

Todo pasalamat din ang mga benepisyaryo sa  Bauang at Bacnotan sa tulong ng Senador at sa napapanahong ayuda sa kanila.