800 CEBUPAC EMPLOYEES TATANGGALIN

Cebu Pacific-3

MULING magbabawas ang airline company na Cebu Pacific ng mga empleyado dahil sa nagpapatuloy na epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ekonomiya.

Batay sa inilabas na pahayag ng Cebu Pacific, nasa 800 empleyado pa ang kanilang tatanggalin sa buwan ng Agosto.

Dahil pa rin ito sa laki ng lugi ng kompanya  bunsod ng mga umiiral na restriksiyon  sa pagbiyahe, at dahil na rin sa mga panuntunan sa pagpasok ng ‘new normal’.

Gayunman, sinabi ng Cebu Pacific na makatatanggap ng retrenchment package ang mga empleyadong male-lay off na anila’y ‘above and beyond’ sa itinakda ng batas.

Ito na ang ikalawang wave ng pagbabawas ng empleyado ng kompanya makaraang i-retrench ang 150 newly-hired flight attendants nito.     DWIZ 882

Comments are closed.