800 MOTOR RIDERS NAGSAMA PARA AYUDAHAN ANG CANCER PATIENTS

Rides Against Cancer

CAMP CRAME –NAGSAMA-SAMA ang 800 motorcycle riders para tulungan ang mga cancer patient partikular ang mga kabataan na may naturang sakit.

Inilunsad kanina sa Camp Crame, Quezon City ang Rides Against Cancer na pinamunuan ni PNP Chief,  Dir. Gen.  Oscar Albayalde ang nasabing proyekto habang 800 na iba pang motorcycle riders ang lumahok.

Ang nasabing bilang ay kinabibilangan ng mga pulis, professional, negosyante, artista at iba’ t ibang grupo para sa isang layuning makatulong.

Nagsimula ang pagtakbo ng mga lumahok na rider  ala-6 ng umaga mula sa nasabing kampo patungo sa Clark, Pampanga, mula Clark Circle ay bumalik sa Metro Manila partikular sa Luneta,  Manila at nagkaroon ng boodle fight kasama si Alba­yalde.

Isa naman sa nakilahok si PNP Aviation Security  Group Director,  Chief Supt. Dionardo Carlos.

Sa  halagang P3,000 ay nakapagparehistro ang mga lumahok at ang proceeds nito ay ipantutulong sa mga kabataang may sakit na kanser na naka-confine sa Philippine General Hospital.

Naniniwala naman si Albayalde na sa simpleng paraan ay makatulong sila.

“Together we will build the future of our nation, every donation/ money made by the riders goes to a child sufferring from cancer,  ride with me and fight for their life,” ayon kay Albayalde. EUNICE C.

Comments are closed.