800 PUVs NAGPUMILIT BUMIYAHE HINULI NG HPG

HPG

CAMP CRAME -HINULI ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group ang 831 pampublikong sasakyan na lumabag sa public transport ban simula nang ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) nitong Marso 17.

Ayon kay PNP HPG Director Bgen. Eliso Cruz, ang mga sasakyang nahuli ay kinabibilangan  ng 521 taxis, 42 bus, 25 van, 49 jeep at 194 tricycle.

Matatandaang  nitong nakaraang araw ay halos 600 mga  taxi ang na flag-down ng HPG sa kahabaan ng EDSA, pero pinauwi rin ang mga ito matapos na kunan ng litrato ang mga sasakyan, rehistro, at lisensiya ng driver.

Sinabi ni Cruz sa ngayon inihahanda na ng HPG ang kaukulang reklamo laban sa mga ito sa  Land Transportation Franchising and Regulato-ry Board, para sa posibleng suspensyon o kanselasyon ng mga prangkisa ng mga operator ng naturang mga sasakyan. REA SARMIENTO