INIULAT ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapakalat sila ng aabot sa higit 800 na mga tauhan sa gaganaping Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ayon sa pahayag ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang mga ito ay may mandatong magbantay sa kabuuan ng Traslacion.
Bukod sa kanilang ipakakalat na mga personnel , maglalagay din sila ng mga ambulansya, road emergency at patrol vehicles.
Sinabi pa ng opisyal, anumang oras ay nakaalerto ang kanilang command center para i-monitor ang pinakahuling kaganapan ng sa gaganaping Traslacion ng Itim na Poong Nazareno.
EVELYN GARCIA