803 PULIS IPOPOSTE SA TONDO 1 HARD LOCKDOWN

Pulis

NASA 803 pulis ang ipoposte ni Manila Police District (MPD) Director Gen. Rolly Miranda sa pagpapatupad ng  hard lockdown sa first district ng Tondo simula sa Linggo.  Ang nasabing lockdown ay pinahaba mula isang araw hanggang dalawang araw ng alas- 5 a.m. ng May 3 hanggang alas-5 a.m.  ng May 5.

Ito ang pahayag n Mayor Isko Moreno, na nagsabi rin na ang mga manininda sa Divisoria area na sakop ng ithin the  barangays number 1, 2, 3, 4 at 7 ay papayagang magtinda sa itinakdang oras  at lugar ng lungsod.

Ang  Divisoria Market na siyang pangunahing source ng basic food supplies sa Metro Manila ay  exempted sa lockdown pero ito ay isasailalim sa mahigpit na pagbanantay ng mga awtoridad.

“With respect to non-residents of District 1, passing thru the said district may be allowed provided the non-resident is an authorized person outside residence in accordance with the Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases guideline,’  ayon kay Moreno.

Kasama sa papayagan na makapasok at makalabas habang may lockdown ang mga non-residents na involved sa  delivery of food,  maintenance and repair of electric, telecoms, water, sanitation and transport facilities.  Ang  commercial, industrial,retail institutional at ibang  activities na di nabanggit sa exemptions sa distrito ay suspendido habang may  lockdown. VERLIN RUIZ

Comments are closed.