80K SEAMEN, POSIBLENG MAWALAN NG TRABAHO

PINANGANGAMBAHAN na mawalan ng trabaho ang nasa 80 libong mga seaman.

Ito ay dahil na rin sa pangambang malagay sa blacklist ang bansa dahil sa hindi pagsunod sa International Convention On Standards of Training, Certification and Watch Keeping For Seafarers (STCW).

Ayon kay OFW Party list Rep. John Bertiz, dumulog sa kanyang tanggapan ang Association of Captains and Mate Association at ang Association of Marines and Ratings dahil sa reklamong ito.

Simula pa noong 2003 ay inatasan na ang Philippine Maritime na mag-comply sa STCW patungkol  sa standard and certification ng mga marino.

Ang reklamo ng mga seafarer ay masyadong madami ang mandatory trainings o courses subalit ang mga ibinibigay na trainings ng mga maritime school ay hindi  compliant sa international standards para sa mga marino.

Dahil dito, plano ng kongresista na maghain ng resolusyon sa Kamara para imbestigahan ang mga iniaalok na trainings sa mga seaman.     CONDE BATAC

 

Comments are closed.