HUMIHILING ang Filipinas ng $811.5 million loans at grants mula sa World Bank para sa pitong proyekto na kabilang sa pipeline hanggang October 2018.
Sa datos na ipinaskil ng World Bank, ang pinakamalaking commitment na nagkakahalaga ng $450 million ay nakalaan para sa Improving Fiscal Management project. Ang proyekto ay popondohan ng loan mula sa Washington-based lender.
Layunin ng proyekto na suportahan ang pamahalaan sa pagsisikap nito na mapabuti ang fiscal management, partikular sa pagpapataas ng revenue potential at economic efficiency sa tax policy; mapag-ibayo ang budget planning at efficiency of spending; at mapalakas ang financial risk management ng public assets.
“The Bank’s knowledge services (analytical work and technical assistance) are being extensively used in each of the reform areas of the DPL to build the evidence base for reforms, e.g., the potential revenue impact, and to provide inputs into the design and implementation of reforms,” pahayag ng World Bank sa isang project information document.
Bukod sa naturang proyekto, ang Filipinas ay humihingi rin ng financial support para sa Philippines Customs Modernization Project, Mindanao Inclusive Agriculture Development Project, at Teacher effectiveness and competencies enhancement project.
Ang Filipinas ay humihiling ng $150 million loan mula sa World Bank para sa Customs Modernization Project na naglalayong gawing moderno ang mga sistema, pamamaraan at operasyon ng Bureau of Customs upang mapagbuti ang trade competitiveness ng bansa.
Para sa Mindanao Inclusive Agriculture Development Project, ang bansa ay humihiling ng $100 million. Layunin ng proyekto na mapalakas ang agricultural productivity at integration sa agricultural value chains ng smallholder farmers at fisherfolk sa mga targeted area sa Mindanao.
Ang bansa ay humihirit din ng $100 million mula sa World Bank para sa teacher effectiveness at competencies enhancement project. Gayunman, wala pang ipinalalabas na impormasyon ang Washington-based lender para sa proyekto.
Ang listahan ay kinabibilangan din ng maliliit na proyekto tulad ng Integrated Water Quality Management Project kung saan humihiling ang bansa ng financing na nagkakahalaga ng $7.4 million; Philippines Stage II HCFC Phase-out, $2.75 million; at Philippines Health Financing Strengthening, $1.35 million.
Hanggang press time, ang World Bank ay hindi pa nagbibigay ng detalye hinggil sa Integrated Water Quality Management Project, maliban sa isasangkot ito sa mga sektor na tulad ng Water, Sanitation and Waste Management.
“The Philippines Stage II HCFC Phase-out project aims to phase out Hydro-chlorofluorocarbons (HCFCs) which are ozone-depleting substances (ODS). This will help the country meet its 2020 obligations under the Montreal Protocol and initial requirements under the Kigali Amendment.” CAI ORDINARIO
Comments are closed.