8,127 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA NG DOH

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 8,127 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang araw ng Huwebes.

Batay sa case bulletin no. 509 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na sa ngayon sa 1,627,816 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang total cases, 4.1% pa o 66,895 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang ang 94.6% na mild cases, 1.9% na severe, 1.30% na moderate, 1.1% na critical at 1.0% na asymptomatic.

Nakapagtala rin ang DOH ng 4,343 pang pasyente na bagong gumaling sa sakit kaya’t sa kabuuan, mayroon nang 1,532,494 total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.1% ng total cases.

Samantala, mayroon namang 196 pasyente pa ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19 kaya’t umaabot na ngayon sa 28,427 na total COVID-19 deaths sa bansa o 1.75% ng total cases.
Ayon sa DOH, mayroong 135 duplicates silang tinanggal mula sa total case count, kabilang dito ang 125 recoveries.

Mayroon din 15 kaso na unang na-tagged bilang recoveries, ngunit malaunan ay natuklasang aktibong kaso pa pala.

Mayroon din namang 131 kaso na unang natukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay nakumpirmang binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez

Comments are closed.