814 BARANGAY BENEFICIARIES NAKATANGGAP NG P16B PROYEKTO

DILG

HINAMON ng Department of the Interior and Local Government  ang mga kritiko ng administrasyon na pumunta sa mga liblib na barangay na benepisyaryo ng Barangay Development Program  sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ELCAC.

Ito’y matapos pabulaanan ng Task Force ang bintang ng Makabayan Bloc sa Kamara na gina­gamit lamang umano nila ang pondo ng BDP upang maging pampabango ng admi­nistrasyon sa nalalapit na halalan.

Ayon kay DILG Office of Projects and Development Services – Project Monitoring Office Asst/Dir. Rene Valera, aabot sa 814 mula sa kabuuang 822 na barangay na benepisaryo ng BDP ang nakatanggap na ng mahigit 16 na bilyong pisong pondo para sa mga nakalatag na proyekto.

Sa panig naman ni Task Force Action Officer on BDP Dir. Moni­co Batle, bukas ang kanilang mga datos para suriin ang mga itinatayong proyekto sa mga barangay na malaya na sa presensya ng mga komunista.

Mahirap din aniyang gamitin sa eleksiyon ang pondo dahil mahigpit ang mga sistemang ikinabit dito ng pamahalaan salig sa itinatadhana ng Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act. DWIZ882

4 thoughts on “814 BARANGAY BENEFICIARIES NAKATANGGAP NG P16B PROYEKTO”

  1. 781018 523836Id need to check with you here. Which is not something I normally do! I enjoy reading a post that will make folks believe. Also, thanks for allowing me to comment! 640352

Comments are closed.