8,147 BAGONG KASO NG COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 8,147 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang alas-4:00 ng hapon ng Hulyo 31.

Batay sa DOH COVID-19 case bulletin no. 504, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 1,588,965 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang bilang, 3.8% o 60,887 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa active cases, 93.8% ang mild cases, 2.1% ang severe, 1.52% ang moderate, 1.3% ang critical at 1.3% ang asymptomatic.

Nakapagtala rin naman ang DOH na 9,117 pa na mga pasyente na bagong gumaling sa karamdaman hanggang nitong Sabado sanhi upang umabot na sa 1,500,189 ang total COVID-19 recoveries sa bansa sa ngayon.

Samantala, mayroon namang 167 pang pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay mayroon nang 27,889 total COVID-19 deaths o 1.76% ng total COVID-19 cases.

Ayon sa DOH, mayroon namang anim na duplicates, na pawang recoveries, ang inalis mula sa total case count.

Mayroong dalawang kaso na dati nang na-tagged bilang recoveries, ngunit nang i-validate ay aktibong kaso pa pala.

Samantala, 102 kaso naman na unang naiulat na nakarekober na ang malaunan ay natukoy na binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “8,147 BAGONG KASO NG COVID-19”

Comments are closed.