816 PANG JEEPNEYS BALIK-PASADA, 16 RUTA SA METRO MANILA BUBUKSAN NGAYONG ARAW

JEEPNEY-3

MAY 16 pang ruta para sa Traditional Public Utility Jeepneys (TPUJ) ang bubuksan ng Land MATAPOS ang halos walong buwan ay pinayagan nang pumasada ang dagdag na 16 na ruta ng pampasaherong jeepney sa Metro Manila. Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Dahil dito ay aabot sa 816 na karagdagang traditional na jeep ang makabibiyahe simula ngayong araw.

Sa Memorandum Circular (MC) 2020-071 ng LTFRB, ang mga bagong ruta para sa mga tradisyunal na jeep ay ang mga sumusunod: Edsa/Shaw Blvd – E. Rodriguez (Brgy. Ugong), Vargas Ave.; Edsa/Shaw Blvd – E. Rodriguez /Ortigas Ave.; Edsa/Shaw Blvd – E.R. Ort via Shaw Blvd; Edsa/Shaw Central – Pateros; Dapitan- Libertad via Mabini; Dapitan- Pasay Rtda via L. Guinto; Del Pan – Guadalupe; Divisoria – Pasay Rtda via L. Guinto; Divisoria – Punta via Sta. Mesa; Libertad – QI via L. Guinto; Malanday – Pier South; Proj. 2&3 – Remedios via E. Rodriguez; Filinvest City Located at Alabang, Muntinlupa; Kabihasnan – Sucat; Nichols – SM Mall of Asia via Macapagal Ave; Sucat – Market Market (Fort Bonifacio, Taguig).

Ang mga roadworthy PUV na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity ay maaaring bumiyahe. Kinakailangan ding nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), may QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB na https://ltfrb.gov.ph/

Comments are closed.