WALUMPU’T dalawang kaso pa ang nadagdag sa mga naimpeksyon ng COVID-19 sa Eastern Visayas kaya naman pumalo na sa 39,875 ang kabuuang dinapuan ng naturang sakit sa rehiyon hanggang Agosto 24.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development kahapon, sa nasabing bilang, 1,528 ang active cases at 37,898 naman ang gumaling.
Habang 449 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 82 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod na Samar, 29 kaso; Leyte, 25; Ormoc City, 15; Southern Leyte, 5; Biliran, 4; Eastern Samar, 2; Tacloban City, isa at Northern Samar, isang kaso.
Nasa “high” pa rin ang average daily attack rate sa Ormoc City.
Comments are closed.